BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 1, 2009

Talumpati tungkol sa "Kahalagahan ng mga Magulang"

Talumpati tunkol sa "Kahalagahan ng ating mga Magulang"
(Mary joyce Z. Laqueo)

Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay?.Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya'y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito.Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating "ama", siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan.

Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko pa lang, parang hindi ko kaya, ang hirap.Wala na mag-aalaga sa akin, wala ng mag-aasikaso sa akin tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit tayo na nag-aalala sa atin ng sobra. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala na ring magsasabi ng “ingat ka anak ha” at wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mgpapayo sa tuwing may problema. Di ba ang hirap isipin kong wala nang gagawa sa atin ng ganitong mga bagay. Lalo na’t kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin n gating mga magulang.

Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal. Iparamdam rn natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na “mahal na mahal ko po kayo nay at tay” at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging magulang.Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hangga’t maaga pa at kapiling pa natin ang ating mga magulang, gawin na natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila, bago pa mahuli ang lahat, at pasisihan natin ang mga bagay na mali nating nagawa, at hindi natin naipadama sa kanila kung gaanu natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.

19 comments:

valerie pao said...

wow nice one

jolei young gelvero said...

magandang talumpati...at very welll said talaga!...nakakatagos sa puso

Anonymous said...

cnu po ba talaga ang autor nito

kharla jane said...

.hi??? ang ganda ng talumpati nyo po ang sarap sa pkiramdam feel na feel ko talaga ito.hehe.ngus2han ko po .god bless you.

Anonymous said...

Pwede po bang gamitin 'to sa Filipino Project namin, Salamat po. Ang galing ng pagkagaaaaawa nito, Tagos na Tagos. :)

Anonymous said...

pwede po bang gamitin ko tong talumpati mo sa project namin sa filipino?ang ganda po kasi ng content at message ei.








siony said...

siony

siony said...



siony said...



wow! ang ganda ng talumpati mo... nakkaiyak... e2 na lng cguro ang ggamitin q sa filipino amin..salamat sa paggawa..

Anonymous said...

WoW...
Pahiram po ah ^^ Gagamitin ko lang po ^^

badz said...

Wrong grammar ung iba ei..

Anonymous said...

This is very inspiring message. I was cried when im reading that speech. Now i reaziled on how my parents are very important to us. :)

Anonymous said...

Weah di nga..hehe

Anonymous said...

Ang ganda po ng talumpati nyu..ito nalang po ang ipepresent ko sa pagtatalumpati namin para sa klase...

Anonymous said...

hmmm nice one poh ah.. ganda nman ng talumpating ito.. sobrang nakakatouch.. grabe ipapadama ko n talaga sa knila n mhal n mhal ko sila... and pwd dn poh bang pacopy ito hehe para lang poh sa assignment namin sa filipino..?

Anonymous said...

ganda po ng talumpati niyo. pahiram po para may talumpati na ako sa aming filipino ^^

Anonymous said...

Hiniram po ito ng aming tchr. Ito po yung sasauluhin ng grade 4 na talumpati, great may nag blog nito!!

Anonymous said...

Nag mamadali hehe

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Fish