BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 1, 2009

"Ang may Magulang"

Bawat isa sa atin ay may magulang Ama at Ina na handang maghirap at gawin ang lahat para sa kapakanan na anak. Msarap magkaroon na magulang yung magmamahal sayo, tutulong sa mga problema at oras na pumatak ang luha dahil sa kabiguang naranasan andyan sila upang patahanin ka. Andyan si Inay na gagabayan ka upang hindi ka ulet madapa, andyan si Itay na mangangaral upang hindi mapunta sa maling landas, sapagkat oras na masaktan ang anak doble ang sakit nito sa magulang.
Tayong kabataan na may magulang pa ay maiituring na talagang maswerte dahil bawat isa sa atin ay may Ina na naghihintay sa pintuan ng bahay upang itanong ang araw mo, Ama na nagpapakahirap sa trabaho maibigay lang ang mga luho, iwan man tayo ng lahat kaiklanman ang mga magulang natin ay hinding hindi tayo iiwan.
Tayong may mga magulang pa sana ay pahalagahan natin ang ginagawa nil maliit man o malaki, mahirap ang walang magulang walang kakamusta sa araw mga mo, pagsasabihan ng mga problema at babahagian mo ng mga pangarap sa buhay. Marami ngayon ang nangungulila sa yakap at pagmamahal ng isang magulang.
Mahirap mabuhay ng mag-isa ka lang, yung iba gustong maranasan magkaron ng magulang na magmamahal sa kanila, kahit nga mura ng Ina na bubungad pa lang sa pinto, suntok, tadyak, bugbog ng isang Ama kapag natatalo sa sugal o lulong sa alak ay walang nagpaparamdam ng ganon ang hirap diba, mahirap lumaki nag nag-iisa at walang kasama. Hanggang nakakasama pa natin sila isipin natin at bigyang importansya ang ginagawa nila. Wala tayo sa mundong ito kung di dahil sa kanila. Sa oras ng sila ay tumanda at tayo naman ang kailanganin nila huwag sana nating ipagdamot ang aruga at pagmamahal natin na gusto nilang maramdaman, huwag sanang sigawan kung sya man ay makulit, huwag sanang pandirian kung sya man ay napadumi o napaihi sa short, imbis intindihin dala na ito ng katandaan, pagpasyensyahan man kung maging bingi diba natin naisip nung bata pa tayo ay hindi sila nagsasawang pakinggan at intindihin tayo ng paulit-ulit.
Kung dumating ang oras na magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman ay huwag sanang pagsawaang alagaan , tayo bilang anak ay kailangan nating gawin ito sapagkat dito lamang tayo babawi sa lahat ng ginawa nilang mabuti sa atin.
Mahalin natin ang ating mga magulang, sabihin natin ang salitang "SALAMAT SA LAHAT MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO", iparamdam natin sa kanila na mahal natin sila dahil pag huli na ang lahat kanino mo pa ito sasabihin, anumang lakas ng sikaw, dami ng luha at sakit na nararamdaman hindi mo na ito masasabi pa, kaya habang maaga pa gawin mo na at sabihing "Inay at Itay maraming maraming salamat sa lahat mahal na mahal ko po kayo".

4 comments:

jake said...

woW!nice ang talumpati mo...very gud..lab yah!

Rizaline said...

caramba!..very nice speech....I really like it...congratulation!

jap said...

napakaganda ng talumpating ito.. pede bang gamitin ko sa recitataion namin? napakalaking karangalan sakin kung irerecite ko to sa harapan ng buong klase.

-jap

Anonymous said...

..tnx po sa idea.gudjob..

Fish