BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 1, 2009

KAHIRAPAN: PROBLEMA NG BAYAN


Talumpati ni Hannalet Roguel

Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito?

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan kung ating gugustuhin.marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gusting makamit.

Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon.kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan ay umunlad.

Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagigingisang mahirap at hindi maituturing na basura lamang sa isang lipunan.sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan n gating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.

22 comments:

cathcath said...

its great ..

cathcath said...

its great .. good example of ours..

Ritchell H. said...

Wow, nice.,
pwedi na akong kumuha ng idea dito.,
may i borrow ds for a while?..

merlinda said...

hi thank you for this wonderful talumpati...it gives more learnings ...

Anonymous said...

the message id good. but the speech is not well organized.... (i'm sorry if i offended anyone)

orich said...

ok siya !

Anonymous said...

sang ayon ako doon sa isa na hindi organisado ang talumpati, pero maganda ang ideas; merong pagkakaisa, merong pagsisikap, gumawa ng mabuti. nagkagulo gulo nga lamang :)

Anonymous said...

nice..:))

Anonymous said...

ano ba yan..ang panget naman..walang kwenta..full of shit na talumpati..

Anonymous said...

inspiring

Anonymous said...

Good

Anonymous said...

Nice

nadialyn said...

Hi maaari ko bang magamit ang iyong talupmati sa aming pagdaos ng buwan ng wika? Nasiyahan ako sa iyong isinulat.. Bilib talaga ako sa taga LSPC na ngayon ay LSPU na. Batch 2009-2010 po ako sa Los Banos campus.. Sana ako ay iyong mapagbigyan.. maraming salamat.. keep on writing!

Anonymous said...

can i borrow this?

Anonymous said...

maganda po.

Anonymous said...

gnda..pde po bng hiramin

Anonymous said...

, wow ang ganda ng talumpati mo!

Anonymous said...

Phiram..pang finals lng po. Cite ko nmn po ung author w/c is you upon reciting this speech of yours. Great thankss

Joseph said...

Ang ganda ng talumpati mo maam. Pwede po ba hiramin ang talumpating ito para sa proyekto na ipepresenta namin?

Anonymous said...

Pahiram po para lang sa midterm namin =)

Anonymous said...

Parang di tama un...gagamigin mo to para sa project mo.

Di ka na nahiya...gumawa ka ng sayo..di mo kaya? Tagalog n nga yan e mas cguro kung english p..morom..

Oliver Añasco said...

pwedeng pahiram

Fish