BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 1, 2009

Talumpati patungkol sa TIWALA ni Rejeline Rose V. Peraja

TIWALA

Sa isang pagmamahalan, mahalaga ang pagkakaroon ng tawala. sa aking paniniwala, hindi sapat ang pag ibig lamang upang tumagal ang isang samahan. Kinakailangan din ang matindaing tawala sa isa't isa. Kung wala nito, magiging mabuay lamang ang isang relasyon. Batay sa aking karanasan sa aking mga kaibigan, ito ang malimit maging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanilang kasintahan. Sinasabi nila na marami silang naririnig na mga kwentong barbero na ang kanilang kasintahan ay mayroon pang ibang karelasyon maliban sa kanila. Dahilan dito, agad silang naghihiwalay dahil sa sila ay nasaktan. Hindi ba't mas maganda kung may tiwala sa isa't isa? Kung meron nito, walang dahilan upang makinig tayo sa mga balita na kadalasan ay wala nmang katuturan. Dagdag pa dito ay masisira ang relasyon ng dalawang nagmamahalan. Bilang kabataan, naranasan ko na rin ang magkaroon ng relasyon. Masaya oo, ngunit kadalasan ay hindi rin nagtatagal. Marahil ay dala narin siguro ng murang kaisipan. Ngunit ngayon, masasabi ko na masaya ako sa daloy ng relasyon namin ng aking kasintahan dahil naroon ang lubos na pagmamahalan at sapat na tiwala sa isa't isa. Naging basehan ko na tiwala ang susi sa matagumpay na samahan dahil narin sa uri ng kanyang trabaho dahil madalas kaming magkalayo. Masasabi kong mahirap dahil makararamdam ka ng matinding pangungulila ngunit sa kaisipang siya ay magbabalik din, nagkakaroon ako ng galak sa aking puso. Dahil dito ay naging maayos at masaya ang aming relasyon. Ang kailangan lamang ay pag ingatan ang tiwala upang hindi ito masira.

1 comments:

Anonymous said...

Awesome. Now I got an Idea for our essay.