BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 1, 2009

Pag-asang Edukasyon sa PMA

Talumpati ni Marianne T. Opena

Sa maaga kong pagtulog, dala dalangin ko ang pag-asa na sana'y bigyan ako ng Poong Maykapal ng lakas ng loob at talas ng isipan upang paghandaan ang pagsusulit kinabukasan.Alas Kwatro-y medya nagmulat ang aking mga mata na sa pagmulat kong ito ay may bumalot na kaba sa aking damdamin.Ito na ang tanging araw upang pagbigyan ang hiling ng aking ama na makakuha ng"entrance exam" sa Philippine Military Academy.Sa mga taong nakakakilala sa akin siguradong mabibigla sila kapag nalaman na kumuha ako ng pagsusulit sa PMA.Dahil ibang iba ako sa isip nila na pwede at makakayanan kong maging kadete lalo na sa kilos at aking pananamit.

Pagdating namin sa Fernando Airbase Lipa City,Batangas, hindi na ako nabigla sa dami ng kabataang katulad ko ang nagnanais na maging kadete. Bukod sa libreng de kalidad na edukasyon,ay mayroon ding suportang pinansyalpara sa buong pag-aaral mo ng apat na taon.Ngunit hindi madali ang makapasa sa akademiyang ito. Bukod sa natatanging talino kailangan din dito ang iyong lakas ng katawan,lakas ng loob at kakayanan. Mapalad ako at sinamahan ako ng aking ama na may buong suporta.Ito din ang oras na naramdaman ko ang pagmamahal at pag-aalaga sa akin ng aking tatay.Kung sakaling makapasa ako ay tatanggapin ko ang pribelehiyong ito at kakayanin ang lahat ng pagsubok. Sa kadahilanang gusto kong makatulong sa al\king pamilya habang ako'y nag-aaral.Mahigit 12,000 kabataan ang kumuha ng pagsusulit sa buong Pilipinas ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa, kalakip ng pag-asang ito na ibibigay sa akin ng Panginoon ang nararapat para sa akin.Kung anu man ang maging resulta ay buong puso ko itong tatanggapin. Kaya't wag mawalan ng pag-asa.

0 comments: