BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, September 1, 2009

ANG KABATAAN SA KASALUKUYAN

Ano nga ba sa kasalukuyan ang kabataan? Marahil ay hindi na lingid sa inyo kung ano meron ang kabataan ngayon? Ano nga ba?

Sa panahon ngayon ay marami ng kabataan ang naliligaw ng landas.

Marami ng kabataan ang nagdodroga, nagsusugal, umiinom ng alak. Mga kabataan na sumasali sa mga praternity at mga kabataan na lumalabag sa batas. Tulad ng pagnanakaw at pagpatay.

Ano kaya sa palagay nyo kung bakit ito nangyayari? Kung bakit nila ito ginagawa? At bakit pa nila ito ipinagpapatuloy? Ano nga bang dahilan?

Marahil dahil sa udyok ng mga barkada. Sa kakulangan ng pera. Sa kawalan ng trabaho. Sa paghihiwalay ng mga magulang o dahil sa pagkabigo sa pag-ibig.

Paano na ngayon ang ating bayan? Kung ganyan ang ginagawa ng mga kabataan. Hindi ba't sabi nila na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"? Masasabi paba natin ngayon yan? Marahil ang iba ay hindi, at ang iba ay oo. Dahil mayroon pa naman ngayong mga kabataan na tumatahak sa tamang landas.

Kayong mga kabataan na naliligaw ng landas, gusto nyo bang tahakin ang tamang daan upang matupad ang inyong mga pangarap?

Hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Marami pang paraan ang magagawa natin. Pwedeng pwede pa nating itama ang lahat.

Umiwas sa masasamang bisyo. Umiwas sa masasamang barkada. Gumawa tayo ng kabutihan, at tumulong tayo sa ating bayan, nang sa ganon ay masabi uli natin na... "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".

*-CELECAR P. GALINA-*