BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, September 13, 2009

KABATAAN SA RESPONSABLENG PAGBOTO

Ni: Joancel A.Espanola

Ang kabataan sa ngayon ay masasabi nating bukas ang kaisipan sa mga makabagong teknolohiya at mas aktibo sa usapang pang pulitika.Bukas na ang isipan sa mga problemang hindi lang pansarili at pampamilya kundi problemang pampulitika ng ating bansa.

Salamat na rin sa mga programang naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga napapanahong problemang pampulitika at nagpapakita ng mga bulok na sistema ng ating pamahalaan na kailangan na nating palitan.

Bilang kabataan paano ba natin mababago o kundi man mabago sa ngayon ng tuluyan ay maging bahagi ng isang hakbang tungo sa pagbabago?
Para sa akin bilang isang kabataan ang aking boto ay isa sa mga mahalagang hakbang para sa ating pagbabago.Naniniwala akong mas matalino at masmaparaan ang kabataan nayon kahit na mayroong ding hindi magagandang mga katangian.

Alam kong mas malawak na ang ating kaalaman at magigig responsable tayo sa ating pagpili ng ating mga iboboto.Alam ko na karapat-dapat at ating pagkakatiwalaan na mamuno sa ating bansa ang ating iboboto sa darating na eleksyon.

Hayaan natin na makagawa tayo ng isang simpleng hakbangin tungo sa ating inaasam na pagbabago, bilang isang kabataan.

Maraming salamat po sa lahat ng bumasa.

KABATAAN SA RESPONSABLENG PAGBOTO

Ni: Joancel A.Espanola

Wednesday, September 2, 2009

Pangako ng mamumuno

Mga Pangako, mga nakakalango. Iyan ang naidudulot ng droga sa ating buhay. Oo nga at wala tayong gaanong kapangyarihan upang tulungan tanggalin ang salot sa ating lipunan ngunit maaari tayong tumulong sa ating simpleng panghihikayat.Himukin natin ang kabataan na sumali sa ibat-ibang larong pampalakasan.Kung tutuusin ay hindi na kailangan pang magkaroon ng puwesto sa pamahalaan at gobyerno upang makatulong. Maaari tayong tumulong sa paraang alam natin. Ang paghimok sa mga kabataan na maglalahok sa ibat-ibang libangan kagaya ng pagsayaw, pag-awit at isports. Maraming mga talento na hindi nadidiskubre dahil sa pagkalulong sa mga bisyo lalo na sa bawal na gamot. Ang mga kabataan na pag-asa ng bayan ay unti-unting nagiging marupok dahil sa mga masasamang impluwensya. Bakit hindi tayo magtulungan upang mailayo ang mga inaasahan ng bayang mga kabataan? Huwag tayong mag-away-away. Sa halip, magkaisa tayo at piliting magkaroon ng mga namumunong may sapat na kakayahan upang supilin ang talamak na ganid ng lipunan.

Isinulat ni Noemi F. Villa

"Edukasyon at Politika"

Talumpati ni Geraldine O. Napiza

Bilang isang mamamayan Pilipinas. Napapansin ko ang patuloy na pagdami ng mga batang hindi
na nakapag-aaral. At halos nawalan na ng pag-asa sa buhay.
Isa ako sa bawat kabataang handing bigyan ng pansin ang suliranin ito ngg ating bansa. Ayon sa
Sa aking nakikita marami ang mga batang nais makapag-aral ngunit walang sapat nap era upang
matustusan ito kung kaya’t marami ang mga batang nagkalat sa lansangan upang maglako ng
kanilang paninda. Ngunit sa kabilang dako naman marami rin ang mga kabataang napapariwara at
napapabayaan na ng kanilang mga magulang. Sino nga ba ang dapat sisihin sa pangyayaring ito?.
Ngayong ako ay nag-aaral na sa kolehiyo marami ang nagsasabing ako ay mapalad at nakakapag-
aral . Ito ay magagamit ko sa aking kinabukasan. At makahanap ng isang magandang trabaho.
Ngunit paano ang kabataang hindi nakapag-aaral?. Anon a lang ang kanilang magiging kinabukasan?.
Sa bawat araw na nagdadaraan aking naiisip ang mga batang hindi nakapag-aaral at ang mga
nag-aaral ngunit kulang naman sa kagamitan. DAhil sa pagkurakot sap era na dapat sana ay napupunta
san g libreng edukasyon. At hindi sa mga taong may kaukulang posisyon na nagsasayang ng pera sa
pansariling kagustohan . Nasaan ang pinangako nila noong sila ay nangangampanya para sa kanilang
posisyon? Nasaan ang mga nasasabing proyekto para sa edukasyon? Nasaan na ang pagtulong?
Ang sakit isiping na hindi nila magampanan ang kanilang tungkulin. Hindi nabigyan ng solusyon ng gobyerno ang mga problemang kinakaharap n gating bansa. Wala ng pakaka-isa.

KABATAAN

Talumpati mula kay:Joan R.Resurreccion


Kung ang kabataan ay nasasadlak, ano kaya ang patutunguhan ng ating bayan ngayon.
May kasabihan nga na kabataan ay pag-asa nang bayan pero ngayon, kabataan pa ang
sumisira sa kinabukasan ng bawat kabataan dahil naiinpluwesiyahan sila ng masamang tao.
Kabataan ! Kabataan! Nga ba ang pag-asa ng natin? Sa bagay ang mga kabataan ay
may maiitulong din sa atin. Kung ang bawat kabataan ay may pagkakaisa! Hindi ang ating bayan
nasawi, may patutunguhan din pala. Ang bayan na maunlad,maliwalas,maliwanagdin. Kabataan na
may katangian ding tumulong sa bayan upang ang bayang ito ay may mararating ding kinabukasan
kaya. Tandaan! Kabataan ang pag-asa nang bayan upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumata't at sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng busong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito'y ang iNang bayang tinubuan:
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariaw't sa baya'y lumiyag.
Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay.

Precious P. Pring

kabataan

KABATAAN

Kung ang kabataan ay nasasadlak, ano kaya ang patutunguhan ng ating bayan ngayon.
May kasabihan nga na kabataan ay pag-asa nang bayan pero ngayon, kabataan pa ang
sumisira sa kinabukasan ng bawat kabataan dahil naiinpluwesiyahan sila ng masamang tao.
Kabataan ! Kabataan! Nga ba ang pag-asa ng natin? Sa bagay ang mga kabataan ay
may maiitulong din sa atin. Kung ang bawat kabataan ay may pagkakaisa! Hindi ang ating bayan
nasawi, may patutunguhan din pala. Ang bayan na maunlad,maliwalas,maliwanagdin. Kabataan na
may katangian ding tumulong sa bayan upang ang bayang ito ay may mararating ding kinabukasan
kaya. Tandaan! Kabataan ang pag-asa nang bayan upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.