BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, September 13, 2009

KABATAAN SA RESPONSABLENG PAGBOTO

Ni: Joancel A.Espanola

Ang kabataan sa ngayon ay masasabi nating bukas ang kaisipan sa mga makabagong teknolohiya at mas aktibo sa usapang pang pulitika.Bukas na ang isipan sa mga problemang hindi lang pansarili at pampamilya kundi problemang pampulitika ng ating bansa.

Salamat na rin sa mga programang naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga napapanahong problemang pampulitika at nagpapakita ng mga bulok na sistema ng ating pamahalaan na kailangan na nating palitan.

Bilang kabataan paano ba natin mababago o kundi man mabago sa ngayon ng tuluyan ay maging bahagi ng isang hakbang tungo sa pagbabago?
Para sa akin bilang isang kabataan ang aking boto ay isa sa mga mahalagang hakbang para sa ating pagbabago.Naniniwala akong mas matalino at masmaparaan ang kabataan nayon kahit na mayroong ding hindi magagandang mga katangian.

Alam kong mas malawak na ang ating kaalaman at magigig responsable tayo sa ating pagpili ng ating mga iboboto.Alam ko na karapat-dapat at ating pagkakatiwalaan na mamuno sa ating bansa ang ating iboboto sa darating na eleksyon.

Hayaan natin na makagawa tayo ng isang simpleng hakbangin tungo sa ating inaasam na pagbabago, bilang isang kabataan.

Maraming salamat po sa lahat ng bumasa.

KABATAAN SA RESPONSABLENG PAGBOTO

Ni: Joancel A.Espanola

Wednesday, September 2, 2009

Pangako ng mamumuno

Mga Pangako, mga nakakalango. Iyan ang naidudulot ng droga sa ating buhay. Oo nga at wala tayong gaanong kapangyarihan upang tulungan tanggalin ang salot sa ating lipunan ngunit maaari tayong tumulong sa ating simpleng panghihikayat.Himukin natin ang kabataan na sumali sa ibat-ibang larong pampalakasan.Kung tutuusin ay hindi na kailangan pang magkaroon ng puwesto sa pamahalaan at gobyerno upang makatulong. Maaari tayong tumulong sa paraang alam natin. Ang paghimok sa mga kabataan na maglalahok sa ibat-ibang libangan kagaya ng pagsayaw, pag-awit at isports. Maraming mga talento na hindi nadidiskubre dahil sa pagkalulong sa mga bisyo lalo na sa bawal na gamot. Ang mga kabataan na pag-asa ng bayan ay unti-unting nagiging marupok dahil sa mga masasamang impluwensya. Bakit hindi tayo magtulungan upang mailayo ang mga inaasahan ng bayang mga kabataan? Huwag tayong mag-away-away. Sa halip, magkaisa tayo at piliting magkaroon ng mga namumunong may sapat na kakayahan upang supilin ang talamak na ganid ng lipunan.

Isinulat ni Noemi F. Villa

"Edukasyon at Politika"

Talumpati ni Geraldine O. Napiza

Bilang isang mamamayan Pilipinas. Napapansin ko ang patuloy na pagdami ng mga batang hindi
na nakapag-aaral. At halos nawalan na ng pag-asa sa buhay.
Isa ako sa bawat kabataang handing bigyan ng pansin ang suliranin ito ngg ating bansa. Ayon sa
Sa aking nakikita marami ang mga batang nais makapag-aral ngunit walang sapat nap era upang
matustusan ito kung kaya’t marami ang mga batang nagkalat sa lansangan upang maglako ng
kanilang paninda. Ngunit sa kabilang dako naman marami rin ang mga kabataang napapariwara at
napapabayaan na ng kanilang mga magulang. Sino nga ba ang dapat sisihin sa pangyayaring ito?.
Ngayong ako ay nag-aaral na sa kolehiyo marami ang nagsasabing ako ay mapalad at nakakapag-
aral . Ito ay magagamit ko sa aking kinabukasan. At makahanap ng isang magandang trabaho.
Ngunit paano ang kabataang hindi nakapag-aaral?. Anon a lang ang kanilang magiging kinabukasan?.
Sa bawat araw na nagdadaraan aking naiisip ang mga batang hindi nakapag-aaral at ang mga
nag-aaral ngunit kulang naman sa kagamitan. DAhil sa pagkurakot sap era na dapat sana ay napupunta
san g libreng edukasyon. At hindi sa mga taong may kaukulang posisyon na nagsasayang ng pera sa
pansariling kagustohan . Nasaan ang pinangako nila noong sila ay nangangampanya para sa kanilang
posisyon? Nasaan ang mga nasasabing proyekto para sa edukasyon? Nasaan na ang pagtulong?
Ang sakit isiping na hindi nila magampanan ang kanilang tungkulin. Hindi nabigyan ng solusyon ng gobyerno ang mga problemang kinakaharap n gating bansa. Wala ng pakaka-isa.

KABATAAN

Talumpati mula kay:Joan R.Resurreccion


Kung ang kabataan ay nasasadlak, ano kaya ang patutunguhan ng ating bayan ngayon.
May kasabihan nga na kabataan ay pag-asa nang bayan pero ngayon, kabataan pa ang
sumisira sa kinabukasan ng bawat kabataan dahil naiinpluwesiyahan sila ng masamang tao.
Kabataan ! Kabataan! Nga ba ang pag-asa ng natin? Sa bagay ang mga kabataan ay
may maiitulong din sa atin. Kung ang bawat kabataan ay may pagkakaisa! Hindi ang ating bayan
nasawi, may patutunguhan din pala. Ang bayan na maunlad,maliwalas,maliwanagdin. Kabataan na
may katangian ding tumulong sa bayan upang ang bayang ito ay may mararating ding kinabukasan
kaya. Tandaan! Kabataan ang pag-asa nang bayan upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumata't at sumulat,
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
Na hinahandugan ng busong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari,
At ginugulan ng buhay na iwi?
Ay! Ito'y ang iNang bayang tinubuan:
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariaw't sa baya'y lumiyag.
Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay.

Precious P. Pring

kabataan

KABATAAN

Kung ang kabataan ay nasasadlak, ano kaya ang patutunguhan ng ating bayan ngayon.
May kasabihan nga na kabataan ay pag-asa nang bayan pero ngayon, kabataan pa ang
sumisira sa kinabukasan ng bawat kabataan dahil naiinpluwesiyahan sila ng masamang tao.
Kabataan ! Kabataan! Nga ba ang pag-asa ng natin? Sa bagay ang mga kabataan ay
may maiitulong din sa atin. Kung ang bawat kabataan ay may pagkakaisa! Hindi ang ating bayan
nasawi, may patutunguhan din pala. Ang bayan na maunlad,maliwalas,maliwanagdin. Kabataan na
may katangian ding tumulong sa bayan upang ang bayang ito ay may mararating ding kinabukasan
kaya. Tandaan! Kabataan ang pag-asa nang bayan upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

pag-ibig ko..... ni Janine Coligado


"Ang Pag-ibig ko"
ni

Janine Coligado


Ang "Pag-ibig" ay sadyang masaya mga pang yayaring di malimutan mga away na dio maiwasan.....

paano moh nga ba malaman kung tunay kang nagmamahal..? Ito ay mararamdaman mo kapag ang isang taong mahalaga sayo ay hindi mo kayang mawala.... at mayroon akong konting paalala para sa mga taong nagmamahal....
"kapag nagmahal k wag kang aasa kung ano yung nararamdaman ng puso mo...
"tandaan mo! n minsan ang paggamit ng utak ay mas nkakabuti...
"sunod! wag mong gagamitin ang mata para umiyak sa taong nanakit sayo..
"instaed! gamitin mo ito pra maghanap ng iba....
bakit nga ba tunay na nagmamahal ang isang tao kahit nasasaktan na siya?
"dhil sabi nila ang puso puwede mong sugatan pero di m kayang turuan....
"patuloy itong magmamahal khit, patuloy na nasasaktan..."
at ang masakit pa kpag ikaw ay nagmamahal ay kapag niloko ka ng taong seneryoso mo..
masakit kapag pinaglaruan ka ng taong iniingatan mo...
pero ang mas msakit ay yung maramdaman mong masaya ka sa piling niya khit nasasakktan kana...
at minsan ag pag-ibig ay maraming kasinungalingan khit harap harapan niyang sinasasabi sayo na mahal ka niya ang totoo pala ginagamit k lang niya para makalimutan ang nakaraan niya.....
at ang hirap umasa sa taong mahal n mahal mo kase di alam kung anu kaba sa kanya...
di mo alam kung saan ka lulugar.., mahirap magdesisyon kase minsan akala mo mhal ka niya pero ang toto pinapasaya ka lang niya kase alam niyang mhal mo siya.......
masakit nga ba tlagang umibig..?
oo msakit daw palagi ka raw iiyak...
palagi ka raw aasa at maghihintay sa wala....
"pero ganun lang talaga yun di ka masasaktan di mo malalamang...
nagmamahal kana pala....
ako minsan na akong ntakot sa pag mamahal...
kase di ko alam baka masaktan lang ulit ako..
pero ganun naman talaga ang pagmamahal diba..!
magsasayang ka muna ng maraming luha bago mo matagpuan ang taong kailanmay di na mawawala....
kaya ako ngmamahal ako ngayon ng alam kong tunay ako minamahal ng tapat at buong pagmamahal..
ng mayroong tiwala at pagkakaunawaan kaya ngayon ko masasabi na nagmamahal n talaga ako ng tamang pag-ibig my only one lil'shydz.....

ANG TUNAY NA AKO

Talumpati ni:Chrizalyn A.Palumbaret

Nagsimula ang lahat sa eskwela,nagbuo ang isang barkadahan.Di lahat ng tao naiintindihanant tunay na AKO.May nagmamahal,may nagkakagusto,may ayaw at mayroong naiinggit.Mero ding nagalit at di masakyan ang aking trip,pero anumang salitang marinig ko sa ibang tao,ito lang ang masabi ko."di ko kailangang magpanggap para lang magustuhan ng ibang tao".Dahil ako lang ang tunay na ako at hindi ikaw yon!.Sana balang araw maintindihan nila na tao din ako,may pakiramdam at hindi parang bato.,na wala lang.Sa tagal kong nakikisama sa mga tao,nakikita ko na iba't iba talaga ang ugali ng mag tao.

Pagpaparangal sa Isang Kabayanihan

Pagpaparangal ng Isang Kabayanihan

Sa lahat ng aking mga kabarangay,mga kaibigan at sa inyo na naririrto ngayong
umaagang ito.Magandang umaga.
Hayaan nyong ihayag ko sa umagang ito ang kabayanihang ipinamalas sa atin ng taong
bibigyan natin ng parangal sa araw na ito.
Ika-13,Biyernes ng Pebrero ng taong kasalukuyan,ang lahat ay walang kamuwang-muwang
sa nagbabadyang panganib. Para lang ito sa mga karaniwang araw na ating pinagdadaanan.
Alas-siyete ng gabi nang magsimula ang sunog sa aming kapitbahay.Nagkataon naman na
walang tao roon.Hindi nmin ito agad namalayan bagamat kalapit bahay namin ang nasabing bahay
Hangang sa ito ay lumiyab at kumalat patungo sa aming bahay nang mga oras na iyon

Hindi agad kami nakalabas dahil unang natupok ng apoy ang aming pintuan palabas ng bahay
Wla kaming ibang nagawa kundi ang sumigaw.Unti -unti kong narinig ang sirena ng bumbero
maya-maya ay lakas loob na sinunog nya ang apoy bagamat delikado na.Iniligtas nya kami
sa aming kamatayan.
Narito ako ngayon upang handugan ng buong pusong pasasalamat at natatanging
parangal ang taong maituturing naming magkapatid na naibigay sa aming panagalawawang buhay
Siya ay panganay sa walong magkakapatid.Hindi nya alintana ang pagiging babae bagamat ang
trabaho nya bilang bombero ay sinansabing panlalaki lamang.Siya ay isang babae na may tapang
ng isang lalaki. Ang kanyang naipamalas na kabayanihan ay habangbuhay naming maaalala.
Mga kaibigan buong karangalan kung ibinibigay sa inyo,siya ay walang iba kung hindi
si Gng. Francesca Lungsod ang patunay ng isang bayani.




Riza E.Fernandez

Sanhi ng kahirapan sa ating bansa

Talumpati

Ayon sa aking nakikita na ang bansa natin ay naghihirap na, maraming kabataan ang hindi nakakapag-aral at sa halip mag-asawa na lang sila ng maaga dahil yon lang ang sa tingin kong tangi nilang kayang gawin at kapag naranasan na nilang mag-asawa doon lang mararanasan ang hirap ng buhay at mauuwi sa hiwalayan sanhi na din ng pag-aaway dahil sa pera at magiging kawawa-awa ang kanilang magiging anak.
ano nalang ang magiging kinabukasan ng kanilang anak?
magiging katulad nalang din ba nila ang batang iyon?

isinulat ni:
jaya faye georgia j. pineda
1b bsoa

  • "Global Warming O Ang Pag-init Ng Mundo"


    Alam natin na ngayong panahong ito na nakakaproblema
    tayo sa ating mundo lalo't higit ay ang pabago-bago
    ng klima ito ay dahil sa "global Warming".Nag kakaroon
    tayo ng El nino at El nina (sobrang tag-init,at sobrang
    tag-ulan).
    Ang pagkabutas ng "ozone Layer" ay nakakapag dulot ng pangamba lalo't higit sa dako ng atlantik at antartika.
    Ang epekto nito ay ang pagkawala ng pansala ng "Ultra Violet
    rays"mula sa araw papunta sa mundo.Ito ay nagiging dahilan ng sobrang init ng ating kapaligiran at pagkakasakit ng marami ng
    cancer sa balat.Ito ay nang yari dahil sa kapabayaan ng mga tao.Walang pakundangan ang pagtapon natin ng basura at ang
    sobrang pagpapakawala ng"Carbon Monoxide"na lumalabas sa
    tambutso ng mga sasakyan,Air Conditioning,Hair Spray,at iba pa.

Rubelyn A.Dumaraos

  • "Global Warming O Ang Pag-init Ng Mundo"


    Alam natin na ngayong panahong ito na nakakaproblema
    tayo sa ating mundo lalo't higit ay ang pabago-bago
    ng klima ito ay dahil sa "global Warming".Nag kakaroon
    tayo ng El nino at El nina (sobrang tag-init,at sobrang
    tag-ulan).
    Ang pagkabutas ng "ozone Layer" ay nakakapag dulot ng pangamba lalo't higit sa dako ng atlantik at antartika.
    Ang epekto nito ay ang pagkawala ng pansala ng "Ultra Violet
    rays"mula sa araw papunta sa mundo.Ito ay nagiging dahilan ng sobrang init ng ating kapaligiran at pagkakasakit ng marami ng
    cancer sa balat.Ito ay nang yari dahil sa kapabayaan ng mga tao.Walang pakundangan ang pagtapon natin ng basura at ang
    sobrang pagpapakawala ng"Carbon Monoxide"na lumalabas sa
    tambutso ng mga sasakyan,Air Conditioning,Hair Spray,at iba pa.

Rubelyn A.Dumaraos

ANG PAGMAMAHAL

ANG PAGMAMAHAL
Ano nga ba ang pagmamahal?Sa aking pagkakaalam ay mayroong iba't-
ibang uri ng pagmamahal ang bawat tao tulad nalang ng pagmamahal sa magulang
sa kaibigan at lalong-lalo na sa Panginoon.Pero ang pagmamahal na tinutukoy ko
ay ang pagmamahal sa isang tao,sa isang tao na hinahangaan mo sa isang tao na
gusto mong makasama sa habang buhay pero bago mo mahanap ang taong ito ay
marami ka pang makakasalamuhang ibang tao marami ka pang makikilala iba bago
mo mahanap yung tao na magmamahal sayo ng higit pa sa pagmamahal na ipinapa-
ramdam mo sa kanya.
Ang Pagmamahal ay nagbibigay kasiyahan at kalungkutan sa mga taong
nakakaramdam ng pagmamahal lahat naman ng tao ay nakakaramdam nito Ang
pagmamahal ay nagbibigay ng kasiyahan at dahil dito ang taong nakakaramdam
nito ay naiinspire sa pag-aaral at sa marami pang bagay .Pero ang kasiyahang ito
na nararamdaman mo kung minsan hindi maiiwasan ang kalungkutan dahil minsan
malalaman mo na ang taong mahal mo ay mayroon na palang mahal.Lahat ng ka-
lungkutan na ito ay mapapawi kapag dumating na yung tamang tao na karapat-dapat
sa pagmamahal na ibinibigay mo at pagnahanap mo na ang taong ito puro kasiyahan
na ang mararamdaman mo.









KRISTINE JOY V. ESPIRITU
BSOA I-B
Bb.GRACE VERGARA

TIWALA SA PAGITAN NG ANAK AT MAGULANG

Tiwala sa pagitan ng anak at Magulang ni Jonah Belle Banca

Bilang isang anak, masakit malaman na walang tiwala ang magulang mo sayo. Dahill para sa isang anak mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala na isang magulang sa anak. Dahil para sa anak, katumbas ...ito ng pagmamahal ng isang magulang. Sa panahon ngayon at sa uri ng mga kabataan mgayon, madalas tayong nakagagawa ng pagkakamali na kadalasan ay nagiging sanhi ng pagkasira ng tiwala ng magulang, meron din namang mga magulang na sadyang mahilig maghinala kahit na wala naman dapat paghinalaan. Masakit sa anak na paghinalaan ka sa mga bagay bagay lalo na't pinipilit mong maging mabuti sa kanila.

Ang "Pag-ibig ay sadyang masaya ngunit kpag nagkaroon na ng di pagkakaintindihan ang pagiibigan nauuwi sa hiwalayan at awayan...! paano mo nga ba malalaman ang tunay na pag-ibig? ito ay sa tibay ng samahan at sa tatag ng pagmamahalan yung mayroong pagkakaunawaan, pagtitiwala,at hgit sa lahat ang pagiging tapat..... at ang pag-ibig ay nkikita kapag ang isang tao ay pilit p rin siyang ngmamahal kahit nsasaktan na siya dhil lahat ng umuibig ay naniniwala na ang puso puwede mong sugatan pero di mo kayang turuan.. patuloy itong mgmamahal khit na nasasaktan... at ang mga masasakit na pangyayaring nagaganap sa mga nag-iibigan ay yung niloko ka ng taong mhal n mahal mo! seneryoso mo! iniingatan mo! pero ang mas masakit pa dun ay mararaman mong

"Ang Umibig"

Ang Umibig ni Denisse Eliza Bortanog

Ang umibig ay parte ng ating buhay. Ang umibig ay walang pinipiling edad o pagkakataon, mapabata o matanda, ang pag ibig ay laging nandiyan. Minsan ay sadyang mahirap pero masarap at kung minsan ay mapusok kung hi...ndi pipigilan "tiyan mo'y tatambok" dahil sa masamang naisipan kaya mapusok na balak ay huwag ng subukan dahil kapag ito'y pinatulan "yari ka" joke! Kinabukasa'y masisirang malaswang naisispan. Kaya dapat isipin sakripisyo ng magulang ating suklian sa magandang pamamaraan.

talumpati ng magsisipagtapos/Mary Grace G. Dikitanan

Sa lahat ng kagalang-galang na bisita (Mrs. Florita R. Enmoceno)sa lahat ng guro sa aming paaralan, sa lahat ng mga magulang na naririto , at sa kapwa ko magsisipagtapos, isang magandang hapon po na pinagpala ng diyos.

Isa pong malaking karangalan po para sa akin ang magsalita sa harap ninyo ngayon hapong ito.alam ko pong ang diyos na makapangyarihan ang nagbibigay sa akin ng pagkakataong ito,kayat hindi ko dapat siya biguin.

Ang batch namin ay talaga namang pinagkalooban ng diyos ng mga talento at potensyal sa ibat-ibang larangan. Sinikap naming diskubrihin ang aming mga aking husay at galing upang magtagumpay sa mga paligsahan sa loob at maging sa labas ng paaralan.

Simpre, ang bawat tagumpayay may katumbas na hirap at di-magandang karanasan, may mga pagtatampuhan sa pagitan ng mga mag-aaral at kung minsan pa ngay sa pagitan pa ng mga guro't estudyante,Oo ,inaamin ko minsan naiinis ako sa aking mga titser kapag pagod na pagod na ako sa pinagagawa nila sa akin,at batid kong may mga kaklase akong may kung anong tinatagongn pagkainis sa akin, at ganon din ako sa kanila ,ayaw ko lang banggitin ang mga halimbawa ng mga sitwasyon iyon. dahil dapat ngayon ay maligaya tayo kung marami ang pasakit na aking nilampasan, sa mga pagkakataong iyon, hindi ko maiwasan ang umiyak......umiyak para mabawasan ang dinadalakahit kaunti.

Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng masaya't makulay kong buhay high school.

Sa aking mga magulang na kumalinga sa akin simula't sapul hindi ko po alam kung paano ko kayo pasasalamatan. mula sa pag-aaruga,pagpapalaki,pagpaararl, pagtatanggol sa akinat pagmamahal tunay pong kayo ay dakila, Ma,Pa para sa inyo ito. Mahal na Mahal ko po kayo.

Sa ating lahat, bilang pagtatapos,ay iiwan ko ang isang hamon. maari nagawa natin ngayon ang matagumpay sa pagakyat sa tuktok ng isang bundok. Pero mas marami pang bundok na sadyang mas matataas ang dapat pa nating akyatin tiyak na marami ring sagabal ang masasalubong natin. ngunitsa lahat ng makakaya upang mas marami pang pagdiriwang ang magaganap.

Ang Bayan Ko

Ang Bayan Ko
Mula nang pasinayaan ang Malasariling Pamahalaan ay naging gawain na ibangon ang balangkas ng pamahalaan sa ibabaw ng malawak at hindi mayayanig na pamantungan ng Saligang Batas. Nagtakda ako ng panuntunan,na inaasahan kong magiging babala sa pangangasiwa ng mga bagay-bagay ng bayan. Ang pinakananais ko ay mabigyan ng buhay at lakas at kapangyarihan ang pamamaraang demokratiko at maikapit iyan sa malaking pinakananais na kabutihan ng lipunan at sa mga suliranin sa kapamayanan sa darating na panahon. Nagtagumpay tayo, sa palagay ko, sa pagpapatunay na ang pamahalaan ng mga kinatawan ng bayan sa Pilipinas ay maaaring maging mabisa sa pagkilos na gaya rin ng tunay na matatag na simulain; na maaring makapagpasya nang madalian at mabasa sa alin mang pangangailangang bigla nang hindi pupuhunanin, maging ang kanyang ayos o ang kanyang kabuuan; at ang isang pamahalaang kumakatawan sa kalooban ng bayan ay makakapagpaunlad ng kabutihan ng lipunan at ng kaligayahan ng madla.
Sa larangan ng kabutihang panlahat ay naging masigasig ako sa aking pagsisikap na mapaunlad ang katarungang panlipunan at upang mapaluwag ang kalagayan ng karamihan sa atin. Ang pagtatamo ng mga layunin ito ay nasasalig hindi lamang sa mga pamamantungan ng kabuhayan at kaugalian kundi sa mga mamamayan na rin, sapagkat sa kapaki-pakinabang na paggawa lamang maaaring mapabuti ang saligan ng lipunan.
JOZELLE C. HERNANDEZ
1-B(BSOA)
Bb.Grace Vergara

MGA PANGANGAILANGAN NG KABATAAN

Anu ba pagkakaiba naten noon at ngayon?Malaki na ba ang ipinagbago naten?Kaya pa ba sugpuin ang mga kabataan ngayon.Yan ang mga tanong Mmadalas pumasok sa aking isipa.Kapansin-pansin naman sa mga kabataan ngayonn na halos napapabayaan na nang napakaraming kabataan ang pagaaral na isang sa pinakamahalaga para sa edukasyon ng lahat.Hindi bat napakarami narin ang mga kabataan ang nalululong sa droga,napapabarkada sa mga masasama
Maari naman natin masugpo ang mga ganitong uri ng kabataan na halos walang oras sa pamilya napapabayaan ang pagaaral,siguro kailangan lan bantayan,alagaan,bigyan ng suporta.Ang mga kabataan ng sa ganun hindi maging malayo ang loob nila sa atin at sa PANGINOON


ISINULAT NI:MARIANE BADURIA

Kabataang Mapusok

Ano nga ba ang idad upang masabi nating tayo ay kabilang sa kabataan?
Masasabi na nga bang kabataan tayo pag nag simula ka ng mag mahal o masasabing kabataan tayo
pag may nag bago na sa ating katawan.
Sinasabing ang kabataan ay ma pusok lalo na sa ating nararamdaman lalo na kung tayo ay nag mamahal pag ang kabataan ay nag mahal halos lahat ay bibigay kahit na ilang beses pang masaktan
patuloy paring lumalaban.Hanggang saan nga ba ang kayang ibigay sa taong minamahal.





Bing Carla Catapang

Ekomomiya Tungo Sa Pag-Babago

"EKONOMIYA TUNGO SA PAG-BABAGO"
Tinalumpati ni:John Perry Viray

EKONOMIYA yan ang lagging tinatalakay o pinag uusapan sa ating bansa. Anu nga ba ang kalagayan n gating ekonomiya sa ngayon? Para sa aking palagay ang nararanasan natin ngayon ay ang ekonomiyang tag hirap.BAKIT??dahil sa mga bilihin ng ating bansa ay patuloy na tumataas tulad na lamang na ng kurodo,langis,kuryente,at iba pang bilihin ng ating bansa na pinuproblema ng ating bansa Bakit nga ba ito ang kadalasang problema ng ating bansa?ngunit sinasab ng mga eksperto bakit tayo pa ang nagkukulang sa mga tulad nun ngunit sinasabi nila na ang pilipinas ang mayaman sa langis at iba pang kalikasang yaman .ito ay sa kadahilanan ng mga mahilig mangurakot sa ating bansa .kaya kailangan ng pag-babago kung hindi tayo kikilos hindi mag babago ang takbo ng ating ekonomiya. kaya KILOS NA"""PARA SA PAG-BABAGO

Kay hirap ng buhay-Sarah Grace Rodriguez

Ang buhay ngayon ay kayhirap minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim tama nga sila parang gulong.

Ngunit tama bang lagi na lang tayong mahirap?

Para sa saloobin ko hindi ang pagiging mahirap ay kayang baguhin nang taong merong sariling sipag at tiyaga sa buhay.Pero mayroon akong nakikita na tao na gumagawa ng masama sa kapwa.Isa na dito ang magnakaw, mangholdap, mang abuso saq kapwa at marami pang iba.Ito ba ang paraan para makaahon sa kahirapan ang kumuha ng sariling sikap ng iba?Subalit meron talagang masisipag na tao na gumagawa ng paraan para makaahon sa kahirapan sa magandang paraan.

Marame ako nakikita na mararangal na trabaho isa na dito ang mamasura, maging labandera, at magpaka alipin sa iba para lamang kumita ng pera.Hindi biro ang pinagdadaanan nila ginagawa nila ito para sa kanilang mahal sa buhay.

Ngunit para sa akin isa lamang ang pinaniniwalaan ko ang buhay mahirap ay hindi pang habambuhay.Kung meron kang sipag at tiyaga ay meron kang magandang kinabukasan.

Tuesday, September 1, 2009

“Ating Abutin Ang Ating Pangarap”

Talumpati ni Charmaine R. Frankie

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring umunlad.

Ako, nuong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw sa bintana sa bintana na aming bahay nag-aabang na namimisikleta; Pinag-aralan ko kung paano sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa akin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko preo nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Paisaa-iasang metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang auekdota na aking iingatan na hanggang ngayong ay nagpapalakas ng aking loob.

Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lipa. Pinag-uukulan ng panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang bagyo di matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walamg taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin naming Nagtanim ng ubas ng lumakit bumunga ay mangga. Anu nga ang iyong tinanim mabuti o masama.Makakatuong ba o makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng gawa.Huwag tayong tumigil hangga’t di nating natutupad ang ating pangarap.Lahat ng nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihn may pangarap at ‘pag may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas,makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tera na!

KAHIRAPAN: PROBLEMA NG BAYAN


Talumpati ni Hannalet Roguel

Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito?

Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang bilang ng mga namamatay. Pero bakit hindi nakilos ang ating mga pinuno ukol sa mga isyung ito?

Sadyang mahirap ang maging isang mahirap pero madaming paraan upang ito’y labanan kung ating gugustuhin.marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging maralita ngayon ay natatamasa na ang kaginhawaan, dahil iyon sa kanilang pagsisiskap at pagpupursigi para sa kanilang gusting makamit.

Maraming mamamayan ang nakakaranas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na yaon.kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga itoay lalo pa nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang bayan ay umunlad.

Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagigingisang mahirap at hindi maituturing na basura lamang sa isang lipunan.sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan n gating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.

KALIKASAN ANG ATING PARAISO


Talumpati ni Milinda O. Bernardino

Isang malinis,maayos,sariwang hangin,sagana sa likas na yaman at tirahan iyan ang paraiso. Ito’y buong pusong ihinain n gating may likha ang kalikasang nasasa-ating pangangalaga. Isang paraisong maihahandog sa tao.
Ang paraiso ba natin ay ang ating daigdig. Tunay, isang paraiso ang daigdig….. paraisong likha ng kalikasang nasa kanyang sinapupunan….. kalikasang dito lamang matatagpuan. Hindi ito makikita sa magandang naglalakihang planeta.
Subalit sa pagdaan ng maraming taon ang kalikasan ng daigdig ay unti-unting naglaho dahil tumubo sa puso ng tao ang maimbot na paghahayag sa katanyagan. Pagnanasa sa higit pa sa kanyang pangangailangan. Pangangailangang nasasalig sa makasarili at makitid na layunin.
Ang daigdig ay isang paraiso. Manatili lamang ang kasaganaan nito kung tulung-tulong tayong makikibaka sa mga tao at bansang nagbabalatkayong may hangad ng pag-unlad, ngunit sumisira naman sa ating Paraiso. Ang mga walang pusong pumuputol sa ating mga puno; pumapatay sa ating mga halaman; nagpaparumi sa mga kailugan at karagatan at umuubos sa mga lamang dagat ay walang karapatang manatili sa ating paraiso. Itaboy sila sa kawalan.
Huwag hayaang maglaho ang paraisong Daigdig…. Ipagtanggol at pangalagaan natin ang kanyang kalikasan.

ANG PAGTATAPOS-ANNA LORENA ARAGON

Sa nga panauhing pandangal, sa ating punong guro, sa mga guro at aking kapwa mag-aaral, isang ,magandang umaga sa inyong lahat.

Ngayon ay araw ng pagtatapos at bilang isang mag-aaral sa mababang paaralan ng Laguna State Polytechnic University, narito ako ngayon upang mabigyan ng karangalan, kapalit ng aking pagtitiyagang para makamit ang karangalang ito, pagpupursigi, at pagsusumikap sa aking pag-aaral.

Nagpapasalamat ako ng lubusan sa aking nga magulang sapagkat kung hindi dahil sa kanila ay di ako makakapag aral.Maraming salamat din sa aking mga guro sa matiyagang magturo sa akin, ganun din sa aking mga kaibigan at mga kaklase sa pagalalay nila sa akin.At higit sa lahat nagpapasalamat ako sa panginoong Diyos dahil sa paggabay niya sa aking sa araw araw na aking buhay.

Ang aking tagumpay ay inaalay ko sa kanila.Marami pong salamat.

ِAnna Lorena Aragon.

ANG KALIKASAN NOON AT NGAYON-LIZA MARIE AGNO

Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano nga ba ang kalikasan noon at nagayon?

Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran.Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming puno, sari8wang hangi8n, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog.Pero ngayontayo ay namumuhay wsa isang kalikasan na animoy bangungot na kikitil sa sanlibutan at walang buhay na kapaligiran.Pansinin ninyo an gating ilog, dibat napakarumi na nito? Ang mga mapangabusong tao ay ginagawang tapunan ng mga basura an gating ilog! Yan ang kasalukuyang kalikasan na ginagalawan natin ngayon.

Ano ba ang nararapat nating gawin upang kalikasan natiy maibalik sa dati nitong ganda? Pagsunod sa batas na dapat nati8ng sundin ang sinuman upang kalikasan natiy maibalik sa I nitong anyo at ganda!
Pahalagahan natin ang kalikasan, at pahalagahan ang bawat natitirang likas na yaman ng ating bansa! Dahil ang labis na pang aabuso sa ating kalikasan ang siyang magiging sanhi ng pagka wasak at pagka wala ng mga likas na yaman. Iligtas natin an gating kalikasan, ingatan natin ito dahil ito ang magiging susi ng pag asenso n gating bansa.

Lisa Marie Agno

KABATAAN PAG-ASA PA BA NG BAYAN?-Jane Abigail L. Javier

Isa sa nabanngit ni Gat. Jose3 Rizal tungkol sa Kabataan ay ito ang pag-asa ng Inang Bayan.

Ngunit asan na nga ba ang mga pag-asa ng Bayan? Ito ba yung mga makikita sa mga computer shop na doon nag aaksaya ng pera at panahon sa paglalaro at panonood ng mga may iskandalong palabas. Mga makikita sa madilim na eskinita at humihithit ng marijuana, mga Kabataang lulong sa droga. O mga Kabataang na sa murang edad pa lamang ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Kung ito lagi ang pagbabasehan ay masasabi mo na rin na wala ng pag-asa ang ating bayan.

Ang tunay na kahulugan ng pag-asa ay hindi nakikita sa mga kokonti lamang bagkus ito ay nagsisimula sa sariling sikap upang matulungan natin ang ating sarili para sa ika-uunlad ng bayan.

Kung ikaw ay kabataan,masasabi mo bang may nagawa ka na para sa sariling bayan?Isang kabataang may paninindigan at prinsipyo?o isa ka sa mga kabataang walang paki sa kahihinatnan ng inang bayan.

Mga kapwa kabataan.

Tayo na at mag tulungan.Tayo ang inaasahan ng ating mga magulang na mag aahon sa kanila sa putik ng kahirapan.Ang panahon ng pag kilos ay ngayon.Kung noon pa lamang ay naisip na natin ang kahalagahan natin sa ating bayan at ang papel natin dito.Marahil kinabukasan masasabi mo na "Ako ang Kabataan,Ang pag-asa ng inang Bayan".

__Jane Abigail L. Javier__
1-B..
plz CommEnt..
gOd bLess!!

Nasan na..... Ang Kabataan?

Nasan na..... Ang Kabataan?

Una sa lahat,akoy bumabati ng magandang araw, lalo na sa mga kabataan sapagkat ang tema ng aking talumpati ay tungkol sa kabataan. Kabataan na sinasabing "Pag-asa ng Bayan".Kabataan na nagsusulong sa ating bayan tungo sa kaunlaran, katahimikan, o kapayapaan.Ngunit nasaan na ang kabataan?

Ang ating kabataan ngayon ay ibang-iba na kung ikukumpara noon. Lubhang mapupusok na sila sa mga gawaing illegal at mabibilang na lang sa mga kabataan ang gumagawa ng mabuti.Dahilan sa ngayon ang kabataan ay lulong na sa maraming bisyo gaya ng alak, sigarilyo,sugal at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.Ang masaklap pa nito, hindi lang kalalakihan maging kababaihan ay lulong na rin sa ganitong bisyo. Kaya iilan na lamang ngayon ang matitino.Iilan na lang ang sumusunod sa mga patakaran.Kaya pano pa natin masasabi na ang kabataan ay pag-asa ng bayan? kung sarili nila ay hindi nila kayang pahalagahan at nasisira ang kanilang pagkatao nang dahil sa bisyo. Pano natin makakamtan ang katahimikan o kapayapaan kung ang ating kabataan ay walang pagkakaisa? dahil ang hanap nila ngayon ay puro gulo, away at basag ulo. kaya nasan na ang kabataan?

Kabataan, "Tayo ang Pag-asa ng ating Bayan." Tayo ang dapat magmulat sa mga mga susunod sa ating mga yapak.Ipakita natin na karapat dapat tayong mamuno sa pagsulong ng ating bayan.Maging masikap tayo tumutulong sa mga may katungkulan upang palaganapin ang batas.Sa pamamagitan ng pangunguna sa pagsunod sa mga patakaran.Itigil ang ipinagbabawal na gamot, bisyo at makiisa bilang mamayanan.Magkaroon tayo at disiplina at respeto sa sarili natin at sa ating kapwa magkaisa tayo na ang kapayapaan ay ating makamtan. Tayo ng mamuno at ipakita na ang "kabataan ay ang Pag asa ng Bayan"

Talumpati ni:
Jenny M. Pablo

"Ang may Magulang"

Bawat isa sa atin ay may magulang Ama at Ina na handang maghirap at gawin ang lahat para sa kapakanan na anak. Msarap magkaroon na magulang yung magmamahal sayo, tutulong sa mga problema at oras na pumatak ang luha dahil sa kabiguang naranasan andyan sila upang patahanin ka. Andyan si Inay na gagabayan ka upang hindi ka ulet madapa, andyan si Itay na mangangaral upang hindi mapunta sa maling landas, sapagkat oras na masaktan ang anak doble ang sakit nito sa magulang.
Tayong kabataan na may magulang pa ay maiituring na talagang maswerte dahil bawat isa sa atin ay may Ina na naghihintay sa pintuan ng bahay upang itanong ang araw mo, Ama na nagpapakahirap sa trabaho maibigay lang ang mga luho, iwan man tayo ng lahat kaiklanman ang mga magulang natin ay hinding hindi tayo iiwan.
Tayong may mga magulang pa sana ay pahalagahan natin ang ginagawa nil maliit man o malaki, mahirap ang walang magulang walang kakamusta sa araw mga mo, pagsasabihan ng mga problema at babahagian mo ng mga pangarap sa buhay. Marami ngayon ang nangungulila sa yakap at pagmamahal ng isang magulang.
Mahirap mabuhay ng mag-isa ka lang, yung iba gustong maranasan magkaron ng magulang na magmamahal sa kanila, kahit nga mura ng Ina na bubungad pa lang sa pinto, suntok, tadyak, bugbog ng isang Ama kapag natatalo sa sugal o lulong sa alak ay walang nagpaparamdam ng ganon ang hirap diba, mahirap lumaki nag nag-iisa at walang kasama. Hanggang nakakasama pa natin sila isipin natin at bigyang importansya ang ginagawa nila. Wala tayo sa mundong ito kung di dahil sa kanila. Sa oras ng sila ay tumanda at tayo naman ang kailanganin nila huwag sana nating ipagdamot ang aruga at pagmamahal natin na gusto nilang maramdaman, huwag sanang sigawan kung sya man ay makulit, huwag sanang pandirian kung sya man ay napadumi o napaihi sa short, imbis intindihin dala na ito ng katandaan, pagpasyensyahan man kung maging bingi diba natin naisip nung bata pa tayo ay hindi sila nagsasawang pakinggan at intindihin tayo ng paulit-ulit.
Kung dumating ang oras na magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman ay huwag sanang pagsawaang alagaan , tayo bilang anak ay kailangan nating gawin ito sapagkat dito lamang tayo babawi sa lahat ng ginawa nilang mabuti sa atin.
Mahalin natin ang ating mga magulang, sabihin natin ang salitang "SALAMAT SA LAHAT MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO", iparamdam natin sa kanila na mahal natin sila dahil pag huli na ang lahat kanino mo pa ito sasabihin, anumang lakas ng sikaw, dami ng luha at sakit na nararamdaman hindi mo na ito masasabi pa, kaya habang maaga pa gawin mo na at sabihing "Inay at Itay maraming maraming salamat sa lahat mahal na mahal ko po kayo".

Jose Rizal:Dakilang Calambeño,Idolo ng Sambayanang Pilipino..



Talumpati ni Remarie Abaquin

Isang Dakilang Bayaning nagmula sa bayan ng Calamba, Laguna si Gat Jose Rizal..Siya ang nagmulat sa Sambayanang pilipino upang tuligsain ang pang-aaping ginawa ng mga Español sa mga Pilipino..Nagbigay ng maraming aral at kaisipan sa mga kabataan upang mahalin at igalang ang ating bayan..ang ating wika at ang bukas..Mabuhay Rizal!
Binigyan ng diyos ng maraming talento upang maibahagi ang kanyang talino at kakayahan..Siya ay isang doctor, makata, manunulat, edukador,, manlalakbay, at propeta. Higit sa lahat, siya ay isang bayani at politokong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan. Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na Pambansang Bayani.!

Sa murang kaisipan ay namulat na ang bayaning ito sa pang-aaping ginawa ng mga espanyol.
Ilan sa mahahalagang likha ng ating pambansang bayani ay ang bantog na Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo...Dito nya inilahad ang kanyang damdamin at saloobin sa lahat ng ginawang kasamaan sa atin ng mga Espanyol.

Kaya't nagsimulang maghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol..at noong 1898 nakamit natin ang kalayaan..Kalayaan!!

Naalala mo pa ba ang kanyang winika?? "ang kabataan ang pag-asa ng bayan.." ??kaya ikaw kabataan kumilos ka??dahil sa atin nakasalalay ang muling pagbangon ni inang bayan..ating sariwain at isabuhay ang mga aral na napulot natin sa dakilang Calambeñong iniidolo ng lahat..na siyang may gawa kung bakit tayo'y nakalaya sa mga mapang-aping kastila..at kung bakit tayo nkalaya sa putik ng kahirapan..

Saludo ako sayo rizal..saludo kami,..saludo ang sambayanang pilipino.

Pag-asang Edukasyon sa PMA

Talumpati ni Marianne T. Opena

Sa maaga kong pagtulog, dala dalangin ko ang pag-asa na sana'y bigyan ako ng Poong Maykapal ng lakas ng loob at talas ng isipan upang paghandaan ang pagsusulit kinabukasan.Alas Kwatro-y medya nagmulat ang aking mga mata na sa pagmulat kong ito ay may bumalot na kaba sa aking damdamin.Ito na ang tanging araw upang pagbigyan ang hiling ng aking ama na makakuha ng"entrance exam" sa Philippine Military Academy.Sa mga taong nakakakilala sa akin siguradong mabibigla sila kapag nalaman na kumuha ako ng pagsusulit sa PMA.Dahil ibang iba ako sa isip nila na pwede at makakayanan kong maging kadete lalo na sa kilos at aking pananamit.

Pagdating namin sa Fernando Airbase Lipa City,Batangas, hindi na ako nabigla sa dami ng kabataang katulad ko ang nagnanais na maging kadete. Bukod sa libreng de kalidad na edukasyon,ay mayroon ding suportang pinansyalpara sa buong pag-aaral mo ng apat na taon.Ngunit hindi madali ang makapasa sa akademiyang ito. Bukod sa natatanging talino kailangan din dito ang iyong lakas ng katawan,lakas ng loob at kakayanan. Mapalad ako at sinamahan ako ng aking ama na may buong suporta.Ito din ang oras na naramdaman ko ang pagmamahal at pag-aalaga sa akin ng aking tatay.Kung sakaling makapasa ako ay tatanggapin ko ang pribelehiyong ito at kakayanin ang lahat ng pagsubok. Sa kadahilanang gusto kong makatulong sa al\king pamilya habang ako'y nag-aaral.Mahigit 12,000 kabataan ang kumuha ng pagsusulit sa buong Pilipinas ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa, kalakip ng pag-asang ito na ibibigay sa akin ng Panginoon ang nararapat para sa akin.Kung anu man ang maging resulta ay buong puso ko itong tatanggapin. Kaya't wag mawalan ng pag-asa.

Salamat Inay

Talumpati ni Romajoy T. Ferrer

Salamat inay,salamat sa pagmamahal,pagaaruga,at pagpapalaki na tama sa lahat-lahat.Alam kong hindi sapat ang pasasalamat lamang sa lahat ng iyon paghihirap.

simula ng ako'y bata nakamulatan ko ang iyong mga paghihirap.dugo't pawis ang iyong puhunan upang maibigay mo ang aking mga pangangailangan at magkaroon ako ng magandang kinabukasan.

Ang lagi mong paalalay wala kang tanging maipapamana kundi karunungan,kayat ikay patuloy ang paghihirap upang matapos ko ang aking pag-aaral.

Salamat Inay sa iyong walang sawang pagsubaybay.Kahit paminsay katigasan ng ulo'y umiiral,kaya paminsay ang bungangay umaalingaw-ngaw sa ingay dahil sa iyong pangangaral.

Mga pangaral mo'y babaunin ko kahit saan ako mapunta.
Salamat Inay sa pagbibigay na makabuluhang buhay.
Alam kong darating ang panahon na ako'y lilisanin na.
Masakit mang tanggapin ngunit ito'y nakatadhana na.Lumisan kama'y hinding-hindi kita makakalimutan ngunit ang lagi kong Dalangin sa may Kapal pagkalooban kapa ng mahabang buhay,ng pagnakamit ko ang tagumpay sa iyo ito unang iaalay.

KAIBIGAN:talumpati mula kay Maribel O.Pancho

Mahalaga pa ba ang magkaroon ng kaibigan?

Isang mahalagang bagay sakin ang magkaroon ng isang kaibigan.Pinahahalagahan ko ang bawat oras na magkakasama kaming lahat sa mabuti man o masama.

Napapasaya ko ang bawat isa na kahit alam kong mayroon silang tinatagong lungkot sa kanilang mga damdamin.Hindi ka nila pababayaan kahit na maraming pagsubok ang iyong hinaharap,nandyan sila upang ako'y damayan.Sa kabila man ng mga pagsubok nito,nakikita ko na hindi nila ako iniwan.Sadyang kay hirap humanap ng masasandalan ng problema,yung matatawag mong "TUNAY NA KAIBIGAN".

Marami ngayon sa kabataan ang problemado sa pag-aaral,pamilya at pera.Nangangailangan sila ng mabuting kaibigan na kaya kang dalin sa magandang gawa para damayan sa lahat ng oras at suportahan sa lahat ng bagay.Sana nandyan pa rin sila sa kasiyahan,kalungkutan,iyakan at kahirapan man patuloy na nagmamahal sa mga pinagsamahan.

Salamat aking KAIBIGAN!!!!

Ang Bansa natin Ngayon

Talumpati ni Jona Calcetas

Magandang umaga po sa inyong lahat
narito po ako upang italumpati sa inyo ang "Bansa natin ngayon"
Ano nga ba ang bansa natin ngayon sa kasalukuyan?
Kung ako ang tatanungin ang napapansin ko sa bansa ngayon ay paglaki ng ating populasyon.Bakit nga ba?Para sa aking opinyon kaya lumalaki ang ating populasyon ay sa dahil sa mga taong walang disiplina sa sarili.At kung mapapansin natin ngayon ang mga kabataan ay marami ng naliligaw ng landas dahil sa bawal na gamot at mga pagsali sa iba't-ibang mga organisasyon na higit na nakakasira sa mga imahe ng kabataan.Paano nga ba uunlad ang ating bansa?Bilang isang kabataan ay makikipagtulungan ako sa ating sanguniang kabataan,upang sa ganon ay matigil na ang mga ito.Kung mapapansin naman natin ang mga kabataan na nag-aasawa ng wala pa sa tamang edad na.Bakit nga ba?Ito ay dahil sa mga kumakalat na mga malalaswang babasahin,at panunuod ng mga mga iskandal sa celpon dahl sa lahat ng ito ay ginagaya nila ito.

Talumpati patungkol sa TIWALA ni Rejeline Rose V. Peraja

TIWALA

Sa isang pagmamahalan, mahalaga ang pagkakaroon ng tawala. sa aking paniniwala, hindi sapat ang pag ibig lamang upang tumagal ang isang samahan. Kinakailangan din ang matindaing tawala sa isa't isa. Kung wala nito, magiging mabuay lamang ang isang relasyon. Batay sa aking karanasan sa aking mga kaibigan, ito ang malimit maging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanilang kasintahan. Sinasabi nila na marami silang naririnig na mga kwentong barbero na ang kanilang kasintahan ay mayroon pang ibang karelasyon maliban sa kanila. Dahilan dito, agad silang naghihiwalay dahil sa sila ay nasaktan. Hindi ba't mas maganda kung may tiwala sa isa't isa? Kung meron nito, walang dahilan upang makinig tayo sa mga balita na kadalasan ay wala nmang katuturan. Dagdag pa dito ay masisira ang relasyon ng dalawang nagmamahalan. Bilang kabataan, naranasan ko na rin ang magkaroon ng relasyon. Masaya oo, ngunit kadalasan ay hindi rin nagtatagal. Marahil ay dala narin siguro ng murang kaisipan. Ngunit ngayon, masasabi ko na masaya ako sa daloy ng relasyon namin ng aking kasintahan dahil naroon ang lubos na pagmamahalan at sapat na tiwala sa isa't isa. Naging basehan ko na tiwala ang susi sa matagumpay na samahan dahil narin sa uri ng kanyang trabaho dahil madalas kaming magkalayo. Masasabi kong mahirap dahil makararamdam ka ng matinding pangungulila ngunit sa kaisipang siya ay magbabalik din, nagkakaroon ako ng galak sa aking puso. Dahil dito ay naging maayos at masaya ang aming relasyon. Ang kailangan lamang ay pag ingatan ang tiwala upang hindi ito masira.

Talumpati tungkol sa Kabataan "Donna Jane Lorico"

* Noon at ngayon “Kabataan”

Sa modernong panahon, ang mga kabataan ay maaaninag kung saan-saan, mayroong nasa mga bars at nagliliwaliw kung saan-saang lugar, papaano na tayong matatawag na pag-asa ng bayan kung ganoon an gating gawi at kilos.
Bumalik tayo sa nakaraan, hindi ba’t tuwing saapit ang ika-anim ng gabi ay nasa bahay na ang lahat, hindi rin ba’t tuwing nais ng isang lalaki ang isang babe ay hindi nila karakaraka nakukuha ang matamis na oo ng dalaga, kailangan pa nilang sumuot sa butas ng karayom, dumaraan din sila sa tinatawag na pamamanhikan sa magulang ng babae.

* Ngunit ngayon saan mo makikita ang dalawang taong nagmamahalan, kung hindi sa ibang bahay, naandun sila sa madilim na lugar, mayroon din naming sa text nagkakatuluyan, Yan ang larawan ng mga kabataan ngayon.
Subalit ano pa man sila noon at ano man tayo ngayon, ang mahalaga ay hindi natin nalilimutan ang sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na ang “Kabataan ay ang pag-asa ng bayan”

Kabataan: May magagawa pa ba sa ating bansa?

Kabataan: May magagawa pa ba sa ating bansa? Ni:Charlene E. Saguinsin

Isang magandang umaga po sa inyong lahat! Narito ako sa inyong harapan upang ipabatid sa mga kabataan katulad ko na ang kabataan ay pag-asa nga ng ating bayan!...
Saan natin ihahatid itong ating bayan?Sa magandang kinabukasan o sa bibig ng kabiguan. Sa lahat ng pangyayaring nagaganap dito sa ating bansa, unti-unting naglalaho ng di natin namamalayan. Ang sariling kayamanan na atin nang nakagisnan.
Kabataan........kabataan......saan natin ihahatid itong ating henerasyon? Papayagan kaya natin sa sarili nating bansa, ang sariling tatak at kakayahan ay mawala? Ang malagim na kahapong dugo't luha ang napunla. Bakit ngayong susupling na saka tayo nagpabaya.... Ikaw kaya'y isang bulag at hindi mo nakikita ang talamak na pagyurak sa sarili mong kultura? Dumilat ka,kabataan......! Dumaraan ang maghapo't magdamag.Kahit isang problema mo ay nananatiling suliraning hindi malutas.Dapat tayong mangag-isip, itong ating bansa saan natin ihahatid? Sa magandang kinabukasan o sa dulo ng kabiguan. Tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Tayo'y magkaisa upang makalaya at bumangon muli. Tayo na't magkapit-bisig para sa bagong simula at sa tagumpay na ating makakamtan, tayo'y mga Pilipino at marami pang magagawa, hahayaan nalang ba natin na tapak-tapakan nalang tayo ng iba! Sa paningin ng iba tayo'y mga modelo na handang ipagtanggol ang ating bansa, huwag ikahiya kung anu mang meron tayo ipagmalaki ito at maging matatag para sa magandang kahinatnan at sa hinaharap
Muli magandang umaga po sa inyong lahat!!at marami pong salamat!!!

Talumpati tungkol sa "Kahalagahan ng mga Magulang"

Talumpati tunkol sa "Kahalagahan ng ating mga Magulang"
(Mary joyce Z. Laqueo)

Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay?.Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya'y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito.Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating "ama", siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan.

Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko pa lang, parang hindi ko kaya, ang hirap.Wala na mag-aalaga sa akin, wala ng mag-aasikaso sa akin tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit tayo na nag-aalala sa atin ng sobra. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala na ring magsasabi ng “ingat ka anak ha” at wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mgpapayo sa tuwing may problema. Di ba ang hirap isipin kong wala nang gagawa sa atin ng ganitong mga bagay. Lalo na’t kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin n gating mga magulang.

Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal. Iparamdam rn natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na “mahal na mahal ko po kayo nay at tay” at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging magulang.Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hangga’t maaga pa at kapiling pa natin ang ating mga magulang, gawin na natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila, bago pa mahuli ang lahat, at pasisihan natin ang mga bagay na mali nating nagawa, at hindi natin naipadama sa kanila kung gaanu natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.

Pag-unawa sa Taong May Kapansanan

Talumpati ni Jennelyn R. Racoma
Ang taong may kapansanan ay ang taong may problema sa pisikal, katulad ng pagiging bingi, pipi, bulag, at pilay. Ito ay maaaring no0ng isinilang pa o ang pagiging pabaya. Sila ay namulat na rin meron silang abnormalidad, kaya namulat na rin sila at determinado na gawin ang lahat upang may mapatunayan at hindi maging pabigat. Gaya na lamang ng napapanood natin sa telebisyon. Ang mga taong walang kamay, paa ang ginagamit para makagawa na ilang mga bagay. Bingi, tinitingnan naman nila ang buka ng bibig ng taong kanilang kausap. Pipi,k gumagamit sila ng sign "language" uypng makipagkomunikasyon sa iba. Bulag, sinusuri nilang mabuti ang bagay o pinakikiramdamang mabuti ang mga bagay bagay. Hindilahat bukas ang isip nsa pag-unawa na nasa ganoon silang kondisyon, sapagkat iniisip nilang sila ay pabigat lamang. Sakanila hindi nawawala ang pananalangin na sila ay hindi pababayaan nag Panginoong Hesu-Kristo. Sa katunayan mas may nagagawang iba o kakaiba ang mga taong may kapansanan. Ginagawa nilang makabuluhan o kakaiba ang mga ginagawa upang hindi sila maging pabigat. Maraming tao ang ganito, gaya na lamang ni G. Richard Arsenio, nagtapos siya ng Bachelor of Arts na nagpakadalubhasa sa pilosopiya. Ito lamang ang ating pakakatandaan, tao rin sila na may nararamdaman, ang kailangan lang natin ay mahabang pasensya at malawak na pag-unawa sa bawat ginagawa nila.

ANG KABATAAN SA KASALUKUYAN

Ano nga ba sa kasalukuyan ang kabataan? Marahil ay hindi na lingid sa inyo kung ano meron ang kabataan ngayon? Ano nga ba?

Sa panahon ngayon ay marami ng kabataan ang naliligaw ng landas.

Marami ng kabataan ang nagdodroga, nagsusugal, umiinom ng alak. Mga kabataan na sumasali sa mga praternity at mga kabataan na lumalabag sa batas. Tulad ng pagnanakaw at pagpatay.

Ano kaya sa palagay nyo kung bakit ito nangyayari? Kung bakit nila ito ginagawa? At bakit pa nila ito ipinagpapatuloy? Ano nga bang dahilan?

Marahil dahil sa udyok ng mga barkada. Sa kakulangan ng pera. Sa kawalan ng trabaho. Sa paghihiwalay ng mga magulang o dahil sa pagkabigo sa pag-ibig.

Paano na ngayon ang ating bayan? Kung ganyan ang ginagawa ng mga kabataan. Hindi ba't sabi nila na "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"? Masasabi paba natin ngayon yan? Marahil ang iba ay hindi, at ang iba ay oo. Dahil mayroon pa naman ngayong mga kabataan na tumatahak sa tamang landas.

Kayong mga kabataan na naliligaw ng landas, gusto nyo bang tahakin ang tamang daan upang matupad ang inyong mga pangarap?

Hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Marami pang paraan ang magagawa natin. Pwedeng pwede pa nating itama ang lahat.

Umiwas sa masasamang bisyo. Umiwas sa masasamang barkada. Gumawa tayo ng kabutihan, at tumulong tayo sa ating bayan, nang sa ganon ay masabi uli natin na... "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan".

*-CELECAR P. GALINA-*

kalikasan ating ingatan

ang kalikasan ay dapat nga ba nating pahalagahan?
oo dahil ang kalikasan ang ating kayamanan na ibinigay ng diyos sa atin. kaya mga kabataan kalikasan ating ingatan.
kalikasan ang nagbibigay ng kagandahan sa ating kapaligiran at nagbibigay kulay sa ating henarasyon.
kalikasan kayamanan ba?

kaya tayo bilang isang tao pagyamanin natin sariling
atin. kaya tayo nilalang ng diyos sa mundo. kaya tayo nilalang ng may kapal para pangalagaan ang ibinigay sa atin at pagyamanin ang mga kulturang ating pag-aari.

kaya nga pilipino ma-swerte kayo dahil kayamanan nyo ang inyong kalikasan. kaya mga pilipino itoy pangalagaan, dahil itoy isang bagay na nagpapa-unlad sa inyong bansa. at paburitong dayuhin ng turista. kalikasan kaakit-akit ba?

sinulat ni:
Heidi Rubio

☻Tungkol sa pag-ibig☻

♥Switkizer™♥
08/30/2009 10:02 am

* ♀Talumpati♀

Ilang araw pa lang ang nakakalipas ng magkahiwalay kami ng aking kasintahan.
labis ang sakit aking nasaktan pEro,hindi siya kawalan at ang sabi nga pag-ibig lang yan!
ang pag-ibig ay maging walang pagpapaimbabaw.
ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa na sa akin ay mag-aalay ng pag-ibig na tunay at di magwawakas.
Umiyak ka kung kailangan, ngunit siguraduhin mo ng sa bawat patak ng iyong luha ay nawawala rin ang mga hinanakit na iniwan sa iyo nf nakaraan.
kalimutan mo ang kahapon dahil babalik din ang pag-ibig sa iyo.
Ano naman ngayon kung nakawala ka na sa Mga Luma mong Pag-ibig??

☻Mary Rose B Burce☻
1-B bSOA

Reaksyon sa Hapunan ni Michael Sarmiento

“Kawawa ang bayang walang bayani,ngunit mas kawawa ang bayang nangangailangan pa ng bayani” wika ni Dr.Jose Rizal.
Sa tingin ng iba hindi totoo ito para sa mga nagagalit at totoo naman para sa mga pasensya at mga walang pakialam sa buhay at bansa.

Sa mga nagbubuntong hiningang mga OFW o mga bagong bayani kung ituring sa ating bansang Pilipinas.kung sa bagay ,kung ako man din ay maging OFW,may dahilan din akong magbuntong hininga..,.Mga balitang naririnig mula sa radio at telebisyon ay sobrang sakit sa tainga,kung nga ang mga kababayan nating mga pinoy ay nagrereklamo din sa mamahaling hapunan ng administrasyon sa dayuhang bansa na umabot ng milyon-milyong piso. Umalingawngaw ang mga reklamo ng mga OFW at mga nagpapakahirap para lumago ang pondo ng ating bansa.


Ngunit parang nasiyahan ang ating mga kababayang Pilipino sa balitang narinig, na sasagutin na ng dayuhan o umimbitang bansa ang pamasahe ng ating pangulo at mga kasapi nito.Abot hanggang tainga ,lalo-lalo na ang mga OFW sa balitang ito.Hindi lang sila ang mga nagrerklamo pati na ang mga estudyante ng mga kilalang Unibersidad sa bansa,sa reklamong ito gumawa sila ng kanya kanyang mga demonstrasyong rally para mapakita ang kanilang mga hinaing.Hindi lang yan pati mga taong mga pakialam ay nagising sa balitang ito.Ngayon ay nasa unahan ninyo ako at naninidigan bilang isang mamamayang may pag alala sa ating bansa at integridad ng ating bansa.Maraming salamat po...

☻Tungkol sa pag-ibig☻

♥Switkizer™♥
08/30/2009 10:02 am

* ♀Talumpati♀

Ilang araw pa lang ang nakakalipas ng magkahiwalay kami ng aking kasintahan.
labis ang sakit aking nasaktan pEro,hindi siya kawalan at ang sabi nga pag-ibig lang yan!
ang pag-ibig ay maging walang pagpapaimbabaw.
ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa na sa akin ay mag-aalay ng pag-ibig na tunay at di magwawakas.
Umiyak ka kung kailangan, ngunit siguraduhin mo ng sa bawat patak ng iyong luha ay nawawala rin ang mga hinanakit na iniwan sa iyo nf nakaraan.
kalimutan mo ang kahapon dahil babalik din ang pag-ibig sa iyo.
Ano naman ngayon kung nakawala ka na sa Mga Luma mong Pag-ibig??

☻Mary Rose B Burce☻
1-B bSOA

☻Tungkol sa pag-ibig☻

♥Switkizer™♥
08/30/2009 10:02 am

* ♀Talumpati♀

Ilang araw pa lang ang nakakalipas ng magkahiwalay kami ng aking kasintahan.
labis ang sakit aking nasaktan pEro,hindi siya kawalan at ang sabi nga pag-ibig lang yan!
ang pag-ibig ay maging walang pagpapaimbabaw.
ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa na sa akin ay mag-aalay ng pag-ibig na tunay at di magwawakas.
Umiyak ka kung kailangan, ngunit siguraduhin mo ng sa bawat patak ng iyong luha ay nawawala rin ang mga hinanakit na iniwan sa iyo nf nakaraan.
kalimutan mo ang kahapon dahil babalik din ang pag-ibig sa iyo.
Ano naman ngayon kung nakawala ka na sa Mga Luma mong Pag-ibig??

☻Mary Rose B Burce☻
1-B bSOA

ANG WIKA

Halos taon-taon dito sa ating bansa
Ating ipnagdiriwang ang sariling wika
Lahat ng pilipino bata at matanda
Dapat na gamitin sariling salita

Huwag kalimutan pambansang wika
Laging ginagamit ng mga makata,
Saan man dumako sa sulok ng bansa
Gamit ng bayaning noo'y namayapa

Sa mga dayuhan dito sa ating bansa
Dapat ipagmalaki ang pambansang wika
Huwag ugaliin, ating ikahiya
Tayong mga pinoy may sariling wika

Kaya't sa mga guro na laging matiyaga
At sa mga magulang mayaman ma't dukha
Laging subaybayan mula pagkabata
Wikang pambansa, dapat na salita.

Fish